SURING PELIKULA : “THE HEALING”
I.
Pamagat
: “The Healing”
Direktor
: Chito S. Roño
II.
Mga
Tauhan
1.
Seth (Vilma Santos) – pangunahing
tauhan.
2.
Cookie (Kim Chiu) – kapatid ni Jed sa
parehong tatay.
3.
Jed (Martin del Rosario) – anak ni Seth
at kapatid ni Cookie.
4.
Manang Elsa (Daria Ramirez) – “faith
healer”.
5.
Melchor (Joel Torre) – kapatid ni Manang
Elsa at pumatay kay Dario sa huli.
6.
Dario (Jhong Hilario) – binuhay at
ginamot ni Manang Elsa at siya rin ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa
pelikula.
7.
Cita (Janice de Belen) – ina ng batang
nagpa “faith healing”.
8.
Kakay (Abby Bautista) – matagal nang di
nakapagsasalita.
9.
Chona (Ces Quesada) – may malalang
goiter na nagdulot na pagkawala ng kanyang boses.
10.
Alma (Pokwang) – med tech na
nagtatrabaho sa Dubai na nagpa “faith healing”.
11.
Odong (Robert Arevalo) – ama ni Seth na
nagka stroke.
12.
Rex (Simon Ibarra) – asawa ni Chona.
13.
Greta (Ynez Venerazion) – may bukol sa
kanang suso.
14.
Ruben (Allan Paule) – asawa ni Greta.
15.
Ding (Chris Villanueva) – pulis na
nahihyang pakasalan ang kanyan nobya.
16.
Val (Mark Gil) – ama ni Jed.
III.
Buod
ng Kwento
Si Manang Elsa ay tanyag na
manggagamot sapagkat marami nang tao ang dumarayo sa kanyang bahay upang
magpahealing. Naniniwala ang mga tao sa kanyang paraan ng panggagamot na
tinatawag na “faith healing”. Marami na rin siyang nagamot na mga tao. Dahil
dito, dinala ni Seth ang kanyang tatay na si Odong upang ipa “faith healing”.
Nang malaman niyang gumaling ang tatay niya dahil ditto, binalitaan niya at
idinala niya ang kanyang mga kapitbahay at kakilala upang malunasan ang
kanilang mga karamdaman.
Sa kabila ng kagalingan ng iba’t ibang
karamdaman ay kamatayan at kasawian naman ang kapalit nito. Bumunga ang isang
sumpa dahil sa binuhay ni Manang Elsa si Dario mula sa kamatayan. Siya ang
sanhi ng lahat ng mga problema at kinailangan putulin ang sumpang ito.
Kamatayan lamang ni Dario ang makakapigil sa lahat ng mga pangyayari.
Sa bandang huli ng kwento ay natigil
ang sumpa dahil sa pagbaril ni Melchor kay Dario sa kulungan na nagresulta sa
kaniyang kamatayan. Si Cookie lamang ang tanging nabuhay at nakaligtas sa
kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.
IV.
Banghay
ng mga Pangyayari
Dinala
ni Seth ang kanyang mga kasamahan kay Manang Elsa upang ipagamot ang kanilang
mga karamdaman. Lahat ng kanyang kasamahang ipinagamot ay gumaling ngunit buhay
nila ang naging kapalit nito. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila ang
kanilang “doppleganger” / doblekara nila, simula sa unang nagpahealing at
sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang ito ay ang pagpatay kay Dario
para maputol ang sumpa.
Maganda at magaling ang pagkabuo ng
pelikula sapagkat madaling maintindihan ang pagkakasunod ng kwento, at may mga
parte na epektibo ang pagpapagulat nito.
V.
Paksa
/ Tema
“Mag-isip muna bago pumindot.”
“Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon.”
Ipinahihiwatig na bago
pumasok sa isang problema / sitwasyon ay isipin muna ang epekto nito. Dapat rin
ay handa at kaya natin itong harapin. Kung tayo ang sisimula ng isang bagay,
tayo rin ang tatapos nito. Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpahealing ay
nagdusa dahil hindi muna nila inalam ang resulta ng kanilang pagpapagamot.
Dapat muna ay inalam nila ang sumpa upang hindi humantong sa malalang kasawian
at para masolusyunan kaagad .
VI.
Sinematograpi
Ang
uri ng pelikula na aming napanood ay “suspense thriller”. Ang pagkagawa ng
pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit meron
talagang ibang parte na hindi masyadong nakakakumbinsi at hindi makatotohanan. Ang
pelikulang ito ay para ring “Mystery Film” sapagkat isinosolba ang mga
pangyayari ng pangunahing tauhan. Sa kabila nito ay mabisa pa rin ang pelikula
dahil maiintindihan talaga ang bawat pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay
pantay at nababagay sa nangyayaring eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay
talagang epektibo dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na. Totoong
hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood,
pagkat maliwanag na may kuwento itong isinasalaysay. Pwede na rin itong
ihambing sa mga pelikulang “imported”, pero ang nakakainis lang ay ang pag –
“edit” ng ibang pangyayari ay mababa ang kalidad kung ikukumpara sa pelikulang
“imported” na nagresulta sa pagiging parang hindi makatotohanan.
VII.
Mensahe
Makasampung
beses mo muna isispin bago gawin ang isang bagay at huwag magpadalos-dalos sa
anumang gagawin na desisyon. Anuman ang mangyari ay isipin muna ang simula at
ang resulta ng isang gagawing desisyon. Siguraduhin rin na ang desisyong ito ay
hindi lang para sa sarili, kundi para sa kabutihang panlahat.
VIII.
Konklusyon
at Rekomendasyon
Sa
kabuuan, ang pelikula ay maganda, mahusay, at naghatid ng mga impormasyong
kailangang malaman. Kaya, inererekomenda ko ito na panoorin ito ng mga tao,
hindi lang mga estudyante, kundi pati mga matatanda para malaman nila na dapat
maging matalino sa pagdedesisyon. Panoorin rin nila ito para masagot na ang
kanilang mga tanong at kung may katotohanan ba ang mga bagay na ito.
Makatutulong rin ang pelikulang ito para matukoy ang tamang uri ng pangagamot.
Inererekomenda ko na naman sa
pelikulang ito na pagtibayan pa nila ang pag-edit at dagdagan pa ng mga twist
para ito’y maging “blockbuster” na palabas.
MGA TANONG :
·
Makatotohanan ba
ang istorya?
-
Para sa akin ay hindi dahil hindi pa naman
ito nangyayari at wala pang patunay sa mga kababalaghang ito. Parang imposible
naman na kayang mabuhay ang patay at ito’y magdudulot ng sumpa. Grabe naman na
nagkaroon ng “doppelganger” ang isang tao at magsasanib ito sa tunay na tao at
papataya. Kaya, para sa akin, kathang isip lamang ito para gulatin ang mga
manonood.
·
Angkop ba ang
artista sa papel niyang ginagampanan ?
-
Opo, dahil bukod sa mga batikan na ang mga
artistang ito, dinala nila ang istorya ng kwento ng mahusay. Naipakita nila na
magaling pa rin sila hanggang ngayon. Katulad ni Dario, na ipinakita niya na
masama, baliw, at parang alagad siya ni satanas. Ang tawa niya at ang paglaki
ng mata niya ay para siyang demonyo. Namangha ako sa kanya.
·
Anong bahagi ng pelikula
ang nagpapakita ng pagkamadula o kagalingan sa pagganap ng mga artista? Bakit?
-
Ang mga bahagi ng mga artista na sila ay
sinaniban ng kanilang mga “doppelganger”. Pinatili nila na inosenteng mamamatay
sila sa pamamagitan ng kanilang mga facial expressions. Hindi man lang nagsmile
sila o nag iba ang emosyon na ang emosyon nila ay dapat galit. Ipinakita rin
nila na kung paano sila namatay. Ipinakita sa mga bahaging ito ang pagganap ng
mahusay sa angkop nilang mga papel
·
Paano nakatulong
sa kagandahan ng pelikula ang paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan, at tagpuan?
-
Ang mga lighting effects ay saktong sakto
sa kanila at maganda ang mga Angulo nang pagshoot nila. Ang
ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat mangyari o
nangyayari na. Ang kasuotan ay angkop din, tulad kay Cita na nakasuot pangnanay
na ipinapakita na simpleng ina talaga siya. Ang tagpuan ay eksakto rin dahil
ang mga pangyayari ay dapat naman talaga mangyayi sa mga lugar na iyon di naman
dapat ito mangyari sa mall o sa dagat.
·
May napabayaan
bang elemento ng pelikula?
-
Halos wala naman, pero ang problema lang ay
ang pag-edit ng effects sa pelikula. Masyadong hindi naging makatotohanan para
sa mga manonood ang ibang mga bahagi dahil medyo hindi magaling ang pagka-edit
nito. Kailangan nilang mag-aral pa sa pag-edit o mag-hire nalang ng mga
magagaling na editor para maging astig ang mga effects.
· Kung ikaw ang
tatanungin, naipahatid ba ng pelikula ang mensaheng nais nito iparating?
- Opo,
naiparating nito ang mensahe na dapat maging matalino sa pagdedesisyon. Alamin
muna ang sanhi at bunga ng desisyong gagawin at kung ang desisyong ito ay para
sa kabutihang panlahat. Dapat rin ay kaya at matatag ka sa haharaping resulta
nito.