Thursday, October 23, 2014

SURING PELIKULA : “THE HEALING”


I.                  Pamagat : “The Healing”
Direktor : Chito S. Roño

II.               Mga Tauhan
1.      Seth (Vilma Santos) – pangunahing tauhan.
2.      Cookie (Kim Chiu) – kapatid ni Jed sa parehong tatay.
3.      Jed (Martin del Rosario) – anak ni Seth at kapatid ni Cookie.
4.      Manang Elsa (Daria Ramirez) – “faith healer”.
5.      Melchor (Joel Torre) – kapatid ni Manang Elsa at pumatay kay Dario sa huli.
6.      Dario (Jhong Hilario) – binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula.
7.      Cita (Janice de Belen) – ina ng batang nagpa “faith healing”.
8.      Kakay (Abby Bautista) – matagal nang di nakapagsasalita.
9.      Chona (Ces Quesada) – may malalang goiter na nagdulot na pagkawala ng kanyang boses.
10.  Alma (Pokwang) – med tech na nagtatrabaho sa Dubai na nagpa “faith healing”.
11.  Odong (Robert Arevalo) – ama ni Seth na nagka stroke.
12.  Rex (Simon Ibarra) – asawa ni Chona.
13.  Greta (Ynez Venerazion) – may bukol sa kanang suso.
14.  Ruben (Allan Paule) – asawa ni Greta.
15.  Ding (Chris Villanueva) – pulis na nahihyang pakasalan ang kanyan nobya.
16.  Val (Mark Gil) – ama ni Jed.


III.           Buod ng Kwento
          Si Manang Elsa ay tanyag na manggagamot sapagkat marami nang tao ang dumarayo sa kanyang bahay upang magpahealing. Naniniwala ang mga tao sa kanyang paraan ng panggagamot na tinatawag na “faith healing”. Marami na rin siyang nagamot na mga tao. Dahil dito, dinala ni Seth ang kanyang tatay na si Odong upang ipa “faith healing”. Nang malaman niyang gumaling ang tatay niya dahil ditto, binalitaan niya at idinala niya ang kanyang mga kapitbahay at kakilala upang malunasan ang kanilang mga karamdaman.
          Sa kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kamatayan at kasawian naman ang kapalit nito. Bumunga ang isang sumpa dahil sa binuhay ni Manang Elsa si Dario mula sa kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat ng mga problema at kinailangan putulin ang sumpang ito. Kamatayan lamang ni Dario ang makakapigil sa lahat ng mga pangyayari.
          Sa bandang huli ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagbaril ni Melchor kay Dario sa kulungan na nagresulta sa kaniyang kamatayan. Si Cookie lamang ang tanging nabuhay at nakaligtas sa kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.

IV.           Banghay ng mga Pangyayari
            Dinala ni Seth ang kanyang mga kasamahan kay Manang Elsa upang ipagamot ang kanilang mga karamdaman. Lahat ng kanyang kasamahang ipinagamot ay gumaling ngunit buhay nila ang naging kapalit nito. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger” / doblekara nila, simula sa unang nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang ito ay ang pagpatay kay Dario para maputol ang sumpa.
          Maganda at magaling ang pagkabuo ng pelikula sapagkat madaling maintindihan ang pagkakasunod ng kwento, at may mga parte na epektibo ang pagpapagulat nito.

V.               Paksa / Tema
          “Mag-isip muna bago pumindot.
            Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon.
                   Ipinahihiwatig na bago pumasok sa isang problema / sitwasyon ay isipin muna ang epekto nito. Dapat rin ay handa at kaya natin itong harapin. Kung tayo ang sisimula ng isang bagay, tayo rin ang tatapos nito. Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpahealing ay nagdusa dahil hindi muna nila inalam ang resulta ng kanilang pagpapagamot. Dapat muna ay inalam nila ang sumpa upang hindi humantong sa malalang kasawian at para masolusyunan kaagad .

VI.           Sinematograpi
                   Ang uri ng pelikula na aming napanood ay “suspense thriller”. Ang pagkagawa ng pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit meron talagang ibang parte na hindi masyadong nakakakumbinsi at hindi makatotohanan. Ang pelikulang ito ay para ring “Mystery Film” sapagkat isinosolba ang mga pangyayari ng pangunahing tauhan. Sa kabila nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa nangyayaring eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na. Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong isinasalaysay.  Pwede na rin itong ihambing sa mga pelikulang “imported”, pero ang nakakainis lang ay ang pag – “edit” ng ibang pangyayari ay mababa ang kalidad kung ikukumpara sa pelikulang “imported” na nagresulta sa pagiging parang hindi makatotohanan.

VII.        Mensahe
                   Makasampung beses mo muna isispin bago gawin ang isang bagay at huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawin na desisyon. Anuman ang mangyari ay isipin muna ang simula at ang resulta ng isang gagawing desisyon. Siguraduhin rin na ang desisyong ito ay hindi lang para sa sarili, kundi para sa kabutihang panlahat.

VIII.    Konklusyon at Rekomendasyon
                   Sa kabuuan, ang pelikula ay maganda, mahusay, at naghatid ng mga impormasyong kailangang malaman. Kaya, inererekomenda ko ito na panoorin ito ng mga tao, hindi lang mga estudyante, kundi pati mga matatanda para malaman nila na dapat maging matalino sa pagdedesisyon. Panoorin rin nila ito para masagot na ang kanilang mga tanong at kung may katotohanan ba ang mga bagay na ito. Makatutulong rin ang pelikulang ito para matukoy ang tamang uri ng pangagamot.
                   Inererekomenda ko na naman sa pelikulang ito na pagtibayan pa nila ang pag-edit at dagdagan pa ng mga twist para ito’y maging “blockbuster” na palabas.
                       
MGA TANONG :

·        Makatotohanan ba ang istorya?
-              Para sa akin ay hindi dahil hindi pa naman ito nangyayari at wala pang patunay sa mga kababalaghang ito. Parang imposible naman na kayang mabuhay ang patay at ito’y magdudulot ng sumpa. Grabe naman na nagkaroon ng “doppelganger” ang isang tao at magsasanib ito sa tunay na tao at papataya. Kaya, para sa akin, kathang isip lamang ito para gulatin ang mga manonood.

·        Angkop ba ang artista sa papel niyang ginagampanan ?
-              Opo, dahil bukod sa mga batikan na ang mga artistang ito, dinala nila ang istorya ng kwento ng mahusay. Naipakita nila na magaling pa rin sila hanggang ngayon. Katulad ni Dario, na ipinakita niya na masama, baliw, at parang alagad siya ni satanas. Ang tawa niya at ang paglaki ng mata niya ay para siyang demonyo. Namangha ako sa kanya.

·        Anong bahagi ng pelikula ang nagpapakita ng pagkamadula o kagalingan sa pagganap ng mga artista? Bakit?
-              Ang mga bahagi ng mga artista na sila ay sinaniban ng kanilang mga “doppelganger”. Pinatili nila na inosenteng mamamatay sila sa pamamagitan ng kanilang mga facial expressions. Hindi man lang nagsmile sila o nag iba ang emosyon na ang emosyon nila ay dapat galit. Ipinakita rin nila na kung paano sila namatay. Ipinakita sa mga bahaging ito ang pagganap ng mahusay sa angkop nilang mga papel

·        Paano nakatulong sa kagandahan ng pelikula ang paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan, at tagpuan?
-              Ang mga lighting effects ay saktong sakto sa kanila at maganda ang mga Angulo nang pagshoot nila. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na. Ang kasuotan ay angkop din, tulad kay Cita na nakasuot pangnanay na ipinapakita na simpleng ina talaga siya. Ang tagpuan ay eksakto rin dahil ang mga pangyayari ay dapat naman talaga mangyayi sa mga lugar na iyon di naman dapat ito mangyari sa mall o sa dagat.

·        May napabayaan bang elemento ng pelikula?
-              Halos wala naman, pero ang problema lang ay ang pag-edit ng effects sa pelikula. Masyadong hindi naging makatotohanan para sa mga manonood ang ibang mga bahagi dahil medyo hindi magaling ang pagka-edit nito. Kailangan nilang mag-aral pa sa pag-edit o mag-hire nalang ng mga magagaling na editor para maging astig ang mga effects.

·   Kung ikaw ang tatanungin, naipahatid ba ng pelikula ang mensaheng nais nito iparating?
-        Opo, naiparating nito ang mensahe na dapat maging matalino sa pagdedesisyon. Alamin muna ang sanhi at bunga ng desisyong gagawin at kung ang desisyong ito ay para sa kabutihang panlahat. Dapat rin ay kaya at matatag ka sa haharaping resulta nito.